- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
Julie Anne San Jose( MYJAPS )
-
Tulad Mo
[RAP] Itong tula't kantang aking nais parating Heto ang makatang bibo na malinis ang hangarin Pakinggan ang mga lirikong aking sasambitin
Buhay ng batang nangangarap makamit ang mithiin Sa mundong ibabaw, mga tao ay iba-iba Simula't sapul, musmos na isip ay 'di alintana Ang biyayang binigay sa kanya ng Panginoon Sa kanyang palad palagi, mga dasal ay may tugon
Tila ba sa bawat pag-awit, nagmumula sa puso Hindi sa mga labi pagtapak ng entablado Mga taong binubulong, sinisigaw kanyang pangalan Lubos ang ligaya sa musikang nilalaan
Ngunit sa kabila ng kanyang tinatahak na landas Para bang may kapalit at magulo any dinaranas Dating buhay, ang simpleng pamumuhay Kung 'di lang sa pangarap na nagbibigay ng kulay
[Chorus] Parang ihip lang ng hangin ang panahon Maraming tatahakin sa bawat yugto Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo Tao lang naman ako Na tulad mo
[RAP] Kay sarap isiping ang pangarap na tinatamasa Parang panaginip ang lahat, ika'y sagana Ngunit hindi kayang iwasan ang mapanghusga Na para bang tuwang-tuwa kapag ika'y nadarapa
At minsan, tinamaan nga naman ni kupido Para bang nasa langit subalit naging kumplikado Iniwang nakalutang at tuluyang nag-iisa Paulit-ulit ang tanong, sino ba ang nagkasala Nagtiwala
Kasalan bang damdamin ay tapat Yun ang akala Ako pala'y hindi pa rin sapat Damang-dama, mga sugat, mahirap mawala Hanggang sa pumatak na lang ang mga luha sa lupa
Na tila ba nabubulagan bakas ng nakaraan Na di na dapat balikan sa laki ng kamalian Tuloy ang buhay at pangarap sa bawat segundo Tao lang naman ako At dakilang macho
[Chorus] Parang ihip lang ng hangin ang panahon Maraming tatahakin sa bawat yugto Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo Tao lang naman ako Na tulad mo
[Chorus, higher] Parang ihip lang ng hangin ang panahon Maraming tatahakin sa bawat yugto Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo Tao lang naman ako Na tulad mo
[Chorus] Parang ihip lang ng hangin ang panahon Maraming tatahakin sa bawat yugto Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo Tao lang naman ako Na tulad mo Na tulad mo Na tulad mo Na tulad mo
-
|